Tuesday, January 6, 2009

patayin ang salarin!

kagabi.
  1. jo (galing sa cr matapos magtoothbrush ng ten years)
  2. kuya (papasok sa cr)
  3. jo (saktong pagbukas ng cr; nakasalubong ang kuya)
  4. kuya: "tsok, buhi pa?" (sabay ngiti)
  5. jo (napaisip)
  6. kuya: (nakangiti; ang ganda ng ngiti, mukhang may nais sabihin) paulit na tinanong, "tsok, buhi pa?" (sabay harang sa dinadaanan, animo nagpapatintero)
  7. jo (tawa nang tawa habang napapaisip at pilit kumakawala sa pagharang)
  8. jo (no choice slow talaga, di maintindihan; pinadaan na rin matapos kulitin)
  9. jo (dumiretso sa salamin)
  10. jo (natawa na lang nang makita ang mukha sa salamin at tinanong sa sarili) "letsugas! buhay pa nga ba ang lecheng gumupit sa akin?!"

Higaan

Marami mang dahilan ng paghihirap, tiyak mas maraming paraan ng paglutas ang nariyan.
Huwag mong gawing lobo ang sa katunaya'y aso lamang.
Maraming daan sa kaligayahan, napakarami.
Ikaw, kaibigan? Baka di mo lang napapansin.